Para dun sa mga ayaw tanggapin na hindi tatakbo si Duterte:
Eh gagu pala kayo eh. Bakit nyo nakakayang tawagin na duwag ang taong matapang na pinaglingkuran ang mga kapwa nyang Pilipino dahil di nyo matanggap ang desisyon nya? Sinasabi nyong pagsisisihan nya na hindi nya sinubukang pamunuan ang Pilipinas kasi sya na sana ang makakatulong patungo sa totoong pagbabago pero inayawan nya ito. Bakit nyo nasasabing tinalikuran nya tayong mga Pilipino kung hindi nya naman tayo responsibilidad?
Responsibilidad natin ang mga sarili natin. Eh ang dami naman pala nating alam tungkol sa pagbabago pero hindi natin kayang gawin ang mga ito. Hindi naman pinuno ang problema lage kung bakit nasa ilalim ang Pilipinas. Tayo din eh, problema din tayo.
Ito tayo ngayon, pinipilit ang isang tao patungo sa pagbabago kung pwede naman tayong lahat ang maging daan nito. Oo, takot si Duterte para sakin. Pero hindi sya takot sa responsibilidad, takot sya sa "expectations", dahil alam nya na kahit kailan hindi tayo magiging kontento. Takot syang pamunuan ang bansang konti lang ang may malasakit at nabibilang lang ang gumagalaw patungo sa pagbabago.
Alam nyo, kung gusto nyo talagang umangat tayo, bagohin muna natin ang mga sarili natin at wag nating e-asa lahat sa isang tao. Wag tayong laging nakadepende.
Tayo ang duwag eh, kasi di tayo marunong tumanggap. Kasi di natin kayang itayo ang mga sarili natin. Lahat tayo ay ipinanganak na pinuno. Kung gusto mo ng pagbabago, unahan mo. Gawan mo ng paraan. Asahan mo ang sarili mo at hindi ibang tao.
Akda ni: Jel Pamela
Agree. Maliban sa pagiging matalino sa pagpili ng leader, ang pagbabago magsisimula sa sarili.
ReplyDeleteI admit that I got disappointed that he didn't run pero di ko naman siya sinisisi. Desisyon nya yun at nirerespeto ko ang desisyon nya. Sa totoo lang humanga pa nga ako lalo sa kanya eh kasi meron siyang isang salita. Hindi daw siya tatakbo at pinandigan nya talagang hindi tumakbo sa pagkapresidente hanggang sa huli.
ReplyDeletePeople failed to understand that Mayor Duterte doesn't want the presidency yet people are so strong head and still push him. Change doesn't happen overnight either, we Davaoenos can attest to that.
ReplyDeleteI agree with this even if I was disappointed na hindi sya tumakbo. Pero I respect his decision. And tama ka. dapat magsimula muna sa sarili bago sa mga leader
ReplyDeleteI don't really feel comfortable commenting on something like this. But I respect your opinion. Thanks for sharing.
ReplyDeleteTrue, the nation doesn't need a leader to help the country lift up but one another to be united on a decision to help out one another.
ReplyDeleteTumpak Jed! He is better than those who pretend to have the skill to lead but shows nothing. At least, he has proven his worth already, he is not coward but a true man.
ReplyDeleteI heard so much about Mayor Duterte Papaleng. Our country needs politician like him.
ReplyDeletewag pilitin ang ayaw....we need someone who is decisive and has the willingness to serve the country :)
ReplyDeleteAgreed, it's not just really a matter of who sits in that chair, dapat rin na tayo as a citizen would do best to make this country change. Dapat mabago ang state of mind nating mga tao overall para may makitang pagbabago.
ReplyDelete