Para dun sa mga ayaw tanggapin na hindi tatakbo si Duterte:
Eh gagu pala kayo eh. Bakit nyo nakakayang tawagin na duwag ang taong matapang na pinaglingkuran ang mga kapwa nyang Pilipino dahil di nyo matanggap ang desisyon nya? Sinasabi nyong pagsisisihan nya na hindi nya sinubukang pamunuan ang Pilipinas kasi sya na sana ang makakatulong patungo sa totoong pagbabago pero inayawan nya ito. Bakit nyo nasasabing tinalikuran nya tayong mga Pilipino kung hindi nya naman tayo responsibilidad?
Responsibilidad natin ang mga sarili natin. Eh ang dami naman pala nating alam tungkol sa pagbabago pero hindi natin kayang gawin ang mga ito. Hindi naman pinuno ang problema lage kung bakit nasa ilalim ang Pilipinas. Tayo din eh, problema din tayo.
Ito tayo ngayon, pinipilit ang isang tao patungo sa pagbabago kung pwede naman tayong lahat ang maging daan nito. Oo, takot si Duterte para sakin. Pero hindi sya takot sa responsibilidad, takot sya sa "expectations", dahil alam nya na kahit kailan hindi tayo magiging kontento. Takot syang pamunuan ang bansang konti lang ang may malasakit at nabibilang lang ang gumagalaw patungo sa pagbabago.
Alam nyo, kung gusto nyo talagang umangat tayo, bagohin muna natin ang mga sarili natin at wag nating e-asa lahat sa isang tao. Wag tayong laging nakadepende.
Tayo ang duwag eh, kasi di tayo marunong tumanggap. Kasi di natin kayang itayo ang mga sarili natin. Lahat tayo ay ipinanganak na pinuno. Kung gusto mo ng pagbabago, unahan mo. Gawan mo ng paraan. Asahan mo ang sarili mo at hindi ibang tao.
Akda ni: Jel Pamela